As I've said from my previous post I've decided not to go to class today, so when I woke up at 12pm and had my lunch, went to Festival Mall and had my day out. After doing a favor to a friend through canvassing a scrapbook I decided to sit in one of the benches at the ground floor. There I decided to observe the people passing by, and scribbled notes on my fone. After my observation, I decided to watch a very controversial movie, as for me, "Banal", alone! Controversial, because it was Cesar Apolinario's directorial debut, and he won the award for the Best Director and Best Story in the recently concluded Metro Manila Film Fest Awards. Well actually, the cast was great, with Christopher de Leon and Pen Medina, but I find it not that spectacular, well maybe for budget considerations that is. But it's good for a beginner director. After watching, went to see Madj at SM Tunasan and to our surprise Olga and her son and mom was also there! I even became a babysitter to Xander, Olga's son, for a few minutes and it was fun! When Olga went home, Madj and I had coffee and talked on some cool things she had experienced the past weekend which made me want to experience the same things.
Anyway, here's my essay based on the observation I had at the mall:
Ang daming makikita sa mall, ang daming pwedeng puntahan. Madalas akong pumunta sa mall, minsan titingin lang ng mga damit, mga dvd, cds, magazines, libro at iba pa, kakain sa mga paborito kong restaurant, pagkatapos, lalakad-lakad lang, nagbabakasakaling may makasalubong na kakilala at mayayang mag-kape man lang at makipagkamustahan. Dahil sa madalas kong ginagawa itong mga bagay na to, nakakasawa din pala, tulad na lang ng isang pagkakataong hindi ako pumasok sa eskwela dahil sa hindi pa ko handa na humarap sa mga kaklase ko at sa aking mga propesor, naisipan kong tumambay sa mall. Hindi nako nang-abala pa ng ilang kaibigan dahil alam ko may mga trabaho sila sa kani-kanilang mga opisina, kaya mag-isa lang talaga ako na tumambay sa mall. Sabi ko nga, nakakasawa din pala yung magpalakad-lakad at nakakapagod din pala, minsan nakakahilo din, naisipan ko nalang, umupo na lang sa mga "benches" na nakapaligid sa may lowerground floor. Sa isang sulok ako pumuwesto. Naabutan ko ang dalawang mama na mukhang wiling-wili sa pag-uusap. May isa ding babae na nakaupo doon na napansin ko na lang ay nakatungo na at mukhang natutulog.
Ilang minuto pa ang nakalipas, napakadami ko ng naobserbahan na mga taong dumadaan sa aking harapan. Nakaka-wili din palang gawain to. Halata mong iba-iba talaga ng estado sa buhay yung mga taong dumadaan sa harapan ko. May mga estudyante, may magsyota, mag-asawa, magkaibigan. May mukhang tanga na hindi alam kung san sya pupunta. May mukhang nahihiyang magtanong kung san ba makikita yung pupuntahan nya. May mga maaliwalas ang mukha, may mga nakasimangot at di maipinta ang mukha.
May mga nakapormal, may mga naka-rugged. May sexy ang suot. May mukhang hahabulin ng plantsa ang suot, may parang mantel ng dining table nila ang suot, may nakapambahay. May naglalakad habang kumakain, may naka-tsinelas, may naka-havainas, may naka-chuck taylor, may naka-heels. May makapal ang make-up. May mukhang hindi naligo. May mukhang bagong paligo.
May baduy, may japorms. May spike ang buhok, may kalbo, may long hair, may afro, may emo, may hip-hop.
May mga pamilya kasama ang mga anak. May mag-lolo, may mag-lola. May mukhang balik-bayan. May pinay na may kasamang kanong matangkad, unang pumasok sa isip ko eh naka-jackpot si pinay dahil ang pangarap na US citizenship nakamit na nya.
May babading-bading. May boyish. May macho. May maton. May sexy.
May mukhang nanliligaw sa pakipot na babae.
May mukhang tourguide. May mukhang mode.
May mukhang katulong at may totoong katulong na naka-maid's uniform.
May yayang hinahabol ang inaalagaang bata.
May nanay na akay-akay ang anak. Mayroon ding nagpapa-dede ng anak. Mayroon namang hila-hila sa stroller si baby.
May nanay na pinapagalitan ang anak, na iyak ng iyak. Mayroon namang pinapagalitan dahil nagtutu-turo ng kung ano-ano.
May mataba, may payat. May sobrang taba at sobrang payat. May matangkad. May bansot. May matangos ang ilong. May pango. May malaki ang eyebag. May mukhang puyat na nagtatrabaho sa call center
May nerd. May elitista. May mukhang shopaholic. May mukhang walang pambili at window shopping lang.
May Amerikano, May Chinese, May Japanese, May Koreano, May Negro, May Bumbay, May Muslim.
May mabango. May mabaho. May masang-sang ang amoy ng pabango.
May text addict. Mga taong eskandaloso ang cellfone at mga eskandaloso talagang tao dahil habang naglalakad ay nagtetelebabad.
May nakatingin sa malayo. May tulala. May tumatawang mag-isa. May malungkot.
May nag-iisa na tulad kong parang may hinahanap pero di makita. May naglalakad nang mabilis pero parang walang patutunguhan.
Nakakatuwang isipin na sa mall natin makikita ang iba't-ibang uri ng tao. Dito natin makikita ang uri ng pamumuhay meron ang isang tao. Kahit sa pisikal na anyo lamang nila, makikita at mararamdaman mo kung paano nila hinaharap ang buhay nila.
Nakakatuwang isipin na sa karanasan kong ito, nakaramdam ako ng gaan ng loob. Gustong ihalintulad ang buhay ko sa isang mall. Sa isang mall na sari-saring tao ang pumapasok. Iba't-ibang tao na may iba't-ibang pananaw sa buhay. Iba't-ibang tao na may kanya-kanyang pagkatao na dapat kong tanggapin ng walang pag-aalinlangan tulad na lamang ng isang mall na walang diskriminasyon kung sino ang papasukin nila.
Sa karanasan kong ito, natutunan kong dapat kong tanggapin kung sino man ang mga taong nagiging parte ng buhay ko. Maging panandalian man o pangmatagalan ang hinahain nilang pakikisama sa akin. Maging ano man ang intensyon nila, makakasama man o makakabuti ito sa akin. Hindi ko malalaman ang halaga ng isang tao kung hindi ko bubuksan ang pinto ko sa kanila. Kung hindi ko hahayaang patunayan nila ang maidudulot nilang maganda o masama sa akin, na sa bandang huli ay masasabi kong makapagbibigay sakin ng lakas para ipagpatuloy ko ang pagharap sa buhay.
Well that's about it! If you have any suggestions for a title that would be highly appreciated! :)
This day was superb! I really had a great time, well by myself actually, (though I met up with Madj and Olga).. I had the time to reflect on a lot of things and somehow I have released the tension inside me. So I'm ready to go to school tomorrow! Good luck to me!
ASSASSIN'S CREED ORIGINS REVIEW
7 years ago
0 Headbangs:
Post a Comment
C'mon give me one crazy and awesome head bang!!