Tuesday, December 6, 2011

Paglisan



Isang araw palang ang nilalagi niya doon pero pakiramdam niya isang taon ng nakagapos ang kanyang buong katawan sa karimlan.

Hindi ko naman masisi ang nagdala sa kanya doon dahil hanggang ngayon hindi ko naman alam kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Kung siya mismo hindi alam kung paano pananatilihing buhay ang ulirat sa kinalalahyan niya ngayon, paano pa kaya ako. Kung alam lang niya na sa bawat segundong pumatak iniisip ko pa din kung paano ko siya matutulungan.

Nakakaawa ang itsura nya noong nagkaroon ako ng oras na dumalaw. Nanglilimahid ang kanyang mukha na animo’y isang batang sumuot sa isang kwebang punung-puno ng sapot ng gagamba.

Napabuntung-hininga na lang ako at walang nasambit na ni isang salita. Niyakap ko siya. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, para bang may humahabol sa kanya. Naramdaman kong humihikbi siya. Hanggang sa unti-unting tumulo ang kanyang luha.

“Pagod na Pagod na ‘ko!, Hindi ko na alam kung makakaya ko pang mabuhay ng isa pang araw na kasama ang mga taong ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pinangarap na makasiping sa pagtulog.”

Awang-awa na ako sa kanya. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang ipakita sa kanyang napanghihinaan ng loob ang kaisa-isang nagbibigay sa kanya ng kaunting pag-asa matakasan ang karimlang kinalalagyan niya.

Tumunog ang hudyat ng pamamaalam. Gusto ko mang manatili ngunit talagang limitado ang pagkakataong ibinigay sa akin. Nagpaalam ako sa kanya sabay sambit ang mga salitang, ‘Babalikan kita, at sa pagbalik ko asahan mo ang magandang balita.’ Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinimas ito gaya ng ginagawa ko dati.

Lumisan ako baon ang ngiting ibinigay niya sa akin. Nagbigay ito sa akin ng pag-asang sa huli ay mabibigyang linaw ang lahat ng hinuha ng marami. Maging ang mga tanong sa aking isipan. Mga tanong na hinayaan ko nalang na manatili sa aking sarili. Mga tanong na nagpatikom sa aking bibig nang makita ko ang mga paghihirap na dinaranas niya. Mga tanong na gusto kong sa bibig nya mismo manggaling ang mga kasagutan.

Alas otso na ng gabi nang ako’y makauwi. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa aking harapan ang kanyang litrato. Naalala ko tuloy ang ngiting pabaon niya sakin bago ko siya lisanin. Naalala ko lahat ng mga pagkakataong uuwi ako ng bahay at maaamoy ko ang masarap na halimuyak ng kanyang nilulutong pagkain para sa’kin. Naalala ko ang walang katapusang kwentuhang akala mo’y hindi kami mauubusan at wala ng bukas.

Ang sarap balikan ng nakaraan. Ang sarap alalahanin ang mga bagay na nagpapasaya sa’yo kahit gaano kahirap ang buhay. Ang sarap sariwain ng mga pangarap na kaunti nalang ay abot-kamay na.

Binalikan ko ang gabi na ni sa panaginip ay hindi ko akalaing magaganap. Tinanong ko ang aking sarili kung bakit nangyayari ang mga bagay na kinasasadlakan ko ngayon? Bakit sa mga oras na akala mo lahat ay nasa tamang lugar, biglang may lilitaw na aberya?

Alam kong may dahilan ang bawat kaganapang nangyayari sa isang tao, maganda man o panget. Ngunit minsan hindi ko na alam kung pinaglalaruan ba tayo ng tadhana. Bakit kailangang lagi mo nalang tuklasin ang kahulugan ng mga bagay?

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa paghahanap ng mga kasagutan sa aking mga katanungang hanggang sa ngayo’y hindi ko alam kung paano mabibigyang linaw o posible pa bang mabigyang linaw.

Akala ko’y nananaginip ako, ngunit totoo palang tumutunog ang cellphone ko. “Unknown Number” ang nagregister sa screen ng cellphone ko. Sinagot ko ang cellphone. Tinanong kung ako nga ba ang nakalagay na pangalan sa kanilang record. Sumagot ako ng, ‘oo’. Pagkasabi pa lang ng aking kausap na, “Masamang Balita po”, kinutuban na ako.

Patuloy na binibigay ng kausap ko ang detalye at ang mga dapat kung gawin, ngunit sa mga pagkakataong iyon, para bang biglang tumigil ang mundo ko. Para bang nawalan ako ng pakiramdam. Para bang panandaliang tumigil tumanggap ng kahit ano pa mang impormasyon ng utak ko.

Ilang minuto ang lumipas at napansin kong may dugong tumutulo sa aking mga kamay. Nakita ko nalang na basag ang picture frame kung saan nakalagay ang kanyang litrato. Hindi ko naramdaman ang sakit ng mga bubog. Siguro nga’y naging manhid na ang aking katawan sa sakit na ibinigay ng kanyang paglisan.

Tumungo ako sa may bintana. Naramdaman ko ang kakaibang simoy na animoy niyayakap ako. Sa mga pagkakataong iyon alam kong kailanman hindi ako mag-iisa.





Join Gillboard's contest:

9 Headbangs:

RED said...

wow!tagalog post! galing., ngayon iniisip ko kung sino sya at ang kaugnayan nya sa gabi mong 'yon..

HOMER said...

Marunong din naman ako gumawa ng Tagalog posts. Sabi nga ni Manny, "Filipino! Filipino!, FIlipino ang lahi ko!"

Haha!! It's for you to find out kung sino siya.. ;)

Deth said...

ang husay naman ng pagkakagawa...hmmm,kung sino man ito, masasabi kong naipadama mo sa kanya ang pagdamay at pagmamahal mo sa kanya nung araw na yun...at kung anuman nga ang nangyari sa kanya sa huli, mahalaga na naniniwala kang kailanman hindi ka mag-iisa...

sino ba to? wala bang clue? nyehehehe...

HOMER said...

Thanks Deth! Sorry Hindi pwede ibroadcast kung sino eh hehe!!!

Hari ng sablay said...

cno po un?totoo ba un?nkikiramay po ako...nkakalungkot nman...

HOMER said...

Tingin mo sablay totoo ba o produkto lang ng aking imahinasyon?? ;)

Reyjr said...

malalaglag na ung pants nung lalaki! hehe...

HOMER said...

uu nga! kala ko walang nakapansin?! haha!!! :)

gillboard said...

i do hope tuluy-tuloy na pagbabalik mo dito sa mundong to homer.

Salamat!!!

Post a Comment

C'mon give me one crazy and awesome head bang!!

 


Design by: Pocket