SCENE 1: DEDZ na si LOLO
LOCATION: Sa Sementeryo
Apo 1: Hay naku, Good Luck naman sa matandang to kung may maka-miss sa kanya?
Apo 2: Ang tagal naman matapos nito gutom na ko!
Apo 3: Naku, ano kaya pinamana sa'kin ni Lolo?
Apo 4: Hay naku, mabuti na nga sa matandang yan, nang matahimik na tong bahay na to at wala ng pabigat sa'tin.
Apo 5: Siguro tama na nga na nabawian na sya ng buhay, isa lang naman ang paborito nya sa mga apo niya eh.
Apo 6: Wow, sino kaya yung sexy na yun!?
Apo 7: Hay naku dapat natutulog pa ko!
Sepulturero[Extra]: Ok na po ba? Pwede ko na bang ibaon ang Lolo niyo?
Lahat ng APO: Oo bilisan mo! Scene 2 na!
SCENE 2: EYE-BALL
LOCATION: HELL
Lolo: Aba, eh nasan ba ko?! Baket parang sobrang init dito? Hanggang dito ba naman ramdam ang Global Warming.
SANTI: Wahahahaha!! Lolo!! Mabuti naman at nakarating ka ng safe and sound!
Lolo: (Sino naman tong hinayupak na tong naka-costume pa!?) Ah eh! hu u?
SANTI: Wahahahaha!! Pasensya na Lolo!, we haven't formally introduced, Call me Santi!
Lolo: (Aba pilingero tong mamang to! Feeling nya siya yung bata sa 'May Bukas Pa!') Ok Mama! Nice to meet you! Ano bang lugar to? Wag mong sabihing nasa.. .. ..
SANTI: Tama ka Lolo!! Say it! Say it!
Lolo: OH!! NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
SANTI: OH!! YES!!!!!!!!!, Welcome to HELL Lolo!!
SCENE 3: ORIENTATION
SANTI: Ngayon lolo, ikaw ay sasailalim sa isang orientation. Importanteng malaman mo kung bakit ka nandito ngayon at ang mga obligasyon mo sa AKIN!
Lolo: (Power Trip tong hinayupak na to ah!) Anong Obligasyon ko Sayo!? May utang ba ko sayo?
SANTI: Utang na Loob, Lolo! Yan ang dapat mong bayaran Lolo! At madaragdagan pa yan sa mga darating na panahon.
Lolo: At bakit naman ako nagkaroon ng Utang na Loob sayo aber?!
SANTI: Syempre Lolo! Ako lang ang tumanggap saiyo!! Alam mo bang ayaw ng mga taga dun sa Taas na makarating doon kahit hibla ng buhok mo?! You should be Thankful to me Lolo!
Lolo: Orayt! Sige go straight to the point anung kailangang kong gawin para matahimik kang hinayupak ka?
SANTI: Wahahaha!!! Cool lang lolo!!
Lolo: Leche! Pano ako magiging cool eh ang init init dito, tignan mo nga nagkalat yang nagliliyab na apoy dito!
SANTI: Lolo! Ikaw naman, That's the IRONY of Hell Lolo! Kahit na mainit dito, Cool pa din ang mga tao!
Lolo: (Hay masasapak ko na to!)
SCENE 4: THE BARGAIN
SANTI: Orayt Lolo!, base sa aking records ay hindi pa naman ikaw ang pinaka-masamang tao sa Mundo. At dahil dyan MANANATILI ka pa din dito! Wahahahahahaha!!
Lolo: Anak ng Tipaklong! Ayoko dito! Ang init nga at ang papanget niyo! Hindi ako nagpayaman sa mundo para lang mapunta dito.
SANTI: Wahahaha!!! Wala ka ng magagawa Lolo Hawak ko na ang kaluluwa mo! Wahahaha!
Lolo: Wala na bang ibang paraan SANTI! Babayaran kita kahit magkano!?
SANTI: Wahahaha!!! Wala akong pakialam sa salapi mo Lolo!, Gusto ko lang ang Kaluluwa mo haha!!
Lolo: OMG! I'm Doomed!!
SANTI: Orayt Lolo! Pagbibigyan kita! Gusto mo bang bumalik sa Lupa??
Lolo: Oo naman! Anong gagawin ko? Kahit ano? Makabalik lang ako sa Lupa!
SANTI: Sure ka na ba dyan Lolo?
Lolo: Oo SURE NA! SURE NA SURE!!
SANTI: Madali lang Lolo!! Alam mo ba ang 'SEVEN DEADLY SINS'?
Lolo: Oo! Whatabout?
SANTI: Kailangang sa loob ng 24 Oras makahanap ka ng isang tao na makakagawa ng lahat ng 'SEVEN DEADLY SINS'
Lolo: Huh! Ang hirap naman! Bakit 24 Oras lang!?
SANTI: Lolo, dahil katulad ng Balita, hindi natutulog ang demonyo!! wahahahaha!!
Lolo: Okay sige! Call!!
SCENE 5: PRIDE
Nagsimula sa kanyang misyon si Lolo. Nilakad niya ang kahabaan ng kalye para maghanap ng mapapagawa ng isa sa mga deadly sins. Makalipas ang 5 oras nakita niya si Apo 1.
Lolo: Apo 1! Apo 1! Halika dito!
Apo 1: Sino po sila?
Lolo: Hindi mo ba ako nakikilala?
Apo 1: Hindi po eh. Sino po ba kayo?
Lolo: Ako ang Lolo mo.
Apo 1: Huh!? Patay na po ang Lolo ko! Nakakalungkot nga eh, kasi isang taon kaming hindi naguusap bago siya binawian ng buhay. Ewan ko, walang maglakas-loob saming dalawa na magsimula. Walang gustong kalimutan panandalian kung ano mang sakit yung binigay namin sa isa't-isa. Paano po, pasensya na napakwento pa ako sainyo, iwan ko na muna kayo.
Napa-buntung-hininga si Lolo sa narinig. Pinilit niyang tawagin si Apo 1 ngunit bahagyang nakalayo na ito.
SCENE 6: GLUTTONY
Sa muling paglalakad ni Lolo napadpad siya sa isang karinderya. Lumabas ang isang binata, si Apo 2.
Lolo: Apo 2! Apo 2!
Apo 2: Ako ho ba tinatawag niyo?
Lolo: Oo Apo! hindi mo ba nakikilala ang Lolo mo?
Apo 2: Ho? Patay na po ang Lolo ko. Medyo depressed nga po ako eh. Di ako makakain ng ayos. Nakokonsensya nga po ako kasi, noong mga panahong may sakit siya, yung mga pagkaing dala ng mga kamag-anak namin tinatago ko at ako lang ang kumakain. Pero pinagsisihan ko na yun, kaya nga on diet na ko ngayon eh. Ay, lolo pasensya na po, napakwento nako, una na po ako sainyo.
Lolo: Apo 2 saglit lang!!
Napabuntung-hininga si Lolo for the 2nd time. Pilit nyang tinawag si Apo 2 ngunit nakalayo na ito.
SCENE 7: GREED
Tumingin si Lolo sa kanyang relo, napansin niyang lumipas na pala ang apat na oras ngunit wala pa din siyang nakikitang gagawa ng kahit isa man sa mga deadly sins ni SANTI.
Napadpad siya sa isang casino. Sa may lobby nakita niya si Apo 3.
Lolo: Apo 3! Apo 3!
Apo 3: Ako ho ba ang tinatawag niyo?
Lolo: Oo Apo 3!
Apo 3: Teka po, nagkakamali po yata kayo. Hindi nyo po ako apo. Patay na po ang Lolo ko. Sa totoo nga po, namimiss ko siya eh. Madalas kasi kami dito sa casino dati. Naalala ko nga, kinukupitan ko siya ng pera para lang makapag-sugal ako. Minsan yung ipinapapaabot niyang baon sa kapatid ko pinangsusugal ko na din. Siguro lahat na ata ng sugal kahit yung wrestling ng gagamba tinatayaan ko eh. Pasensya na lolo, kailangangan ko ng pumasok sa loob, baka pagalitan ako ng boss ko.
Lolo: Teka lang Apo 3!, nagtatrabaho ka dito?
Apo 3: Oho! Natanggap akong manager kahapon lang!
Napabuntung-hininga si Lolo for the 3rd time. Napangiti nang malamang ang dati niyang apong halos sugal ang inatupag sa buhay ay unti-unting nagbabago.
SCENE 8: ANGER
Lumipas ang 2 oras at wala pa ding nakikita si Lolo na gagawa ng isa sa mga deadly sins. Hanggang sa nakakita siya ng dalawang lalaking nagsisigawan at animo'y magsusuntukan.
Lolo: (Pagkakataon ko na ito!!)
Nilapitan ni Lolo ang dalawang lalaki. Ngunit bago pa man siya makalapit ay lumitaw bigla si Apo 4 para awatin ang dalawang lalaki.
Lolo: Apo 4!?
Apo 4: Ako ho ba tinatawag niyo?
Lolo: Oo Apo 4, ako to ang lolo mo? Hindi mo ba ako naalala?
Apo 4: Mukhang nagkakamali ho kayo Lolo! Patay na po ang lolo ko. Kaka-miss nga siya eh, kahit na madalas nagtatanim ako ng galit sa kanya pag hinahampas niya ako ng sinturon niya. Ang sakit naman kasi eh. Pero ngayon ko lang nalaman kung bakit niya ginagawa yun, sayang wala na siya. Haay, Lolo una nako sainyo at kailangan ko pang pag-batiin yung dalawang lalaking nakita niyo kanina..
Napabuntung-hininga na naman ang matanda, for the 4th time. Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ng matanda. Hindi niya akalaing nagtanim pala ng galit si Apo 4 sa kanya nung nabubuhay pa siya. Naisip niyang kung mabibigyan lang siya muli ng pagkakataon ay masasabi niya ang kanyang mga nadarama.
SCENE 9: ENVY
Muling tumingin sa kanyang relo si Lolo. Napansin niyang nakaka-12 oras na siya sa paghahanap ng mabibiktima, ngunit wala pa din siyang makita. Napadaan siya sa isang sari-sari store. Napansin niyang may TV sa loob. Naisip ni lolong tumambay panandalian. 'Tayong Dalawa' ang palabas. Sarap na sarap si Lolo sa panood, hanggang sa...
Apo 5: Hay, naku Aling Nena, yan na naman pinapanood niyo replay na kaya yan, magaaway dyan si Gerald at Jake kasi pinagseselosan nila si Kim. Pabili ngang softdrinks!
Lolo: Apo 5!?
Apo 5: Ho? Ako ba kausap niyo?
Lolo: Oo! Lolo mo to? Di mo ba ko nakikilala?
Apo 5: Patay na ho Lolo ko. Ka-miss din yung matandang yun minsan eh. Kahit alam kong favorite nya yung isa kong kapatid. Pero okay na sakin yun kahit sino pang favorite niya kahit papaano di din naman siya nakakalimot bigyan ako ng aginaldo pag pasko.
Aling NENA[Extra]: Oh ito na softdrinks mo!!
Apo 5: Sige Aling Nena Salamat. Sige ho, una na din ako sa inyo manong.
Napabuntung-hininga na naman si Lolo sa ikalimang pagkakataon. Hindi maipinta ang tuwa ni Lolo sa narinig. Parang habang dumadaan ang oras gumagaan ang kanyang pakiramdam.
SCENE 10: LUST
Makalipas ang 15 oras, wala pa ding kapaguran si Lolong naghahanap ng mabibiktima, ngunit mukhang minamalas ang matanda. Napadpad si Lolo sa isang bangketa. Nakita niya ang isang tumpok ng mga taong mukhang may pinagkakaguluhan. Gusto mang maki-usyoso ni lolo ngunit sa edad niya ay di niya magawa. Hanggang may nakita siyang isang binatilyo at tinanong kung ano ang dahilan ng kaguluhan. Hindi niya namalayang si Apo 6 pala ang binatilyong ito.
Lolo: Iho!? Ano ba yang kaguluhan na iyan?
Apo 6: Ah eh, pinagkakaguluhan po kasi yung video scandal ni Dr. Hayden Kho at Katrina Halili eh.
Lolo: Ah ganun ba!!
Apo 6: Oho, mauna na ko sainyo.
Lolo: Teka, Apo 6 ikaw ba yan? Oo ikaw nga yan apo ko!
Apo 6: Ho? Patay na ho ang lolo ko. Saka ang layo niyo po sa kanya eh, kasi kahit matanda na yon japorms pa din yun eh. Dun nga ako natutong magpa-pogi eh para madami lumapit saking chicks. Pero nung namatay siya, stick to one na lang ako, wala ng taga-bigay sakin ng pang-date eh. Saka ngayon ko lang din na-realize na mas masarap pala yung feeling pag stick to one ka.
Sa ikaanim na pagkakataon napabuntung-hininga muli si Lolo. Walang nasabi sa narinig. Hindi niya akalaing iniidolo pala siya ni Apo 6. At lalong hindi siya makapaniwalang ang chickboy na apo niyang si Apo 6 ay magiging one-woman-man.
SCENE 11: SLOTH
Nakakaramdam na ng pagod at antok si Lolo. Ikaw ba naman and maglakad buong hapon at magdamag? Sige nga! Halos magbebente-kwatro oras na at wala pa din siyang makita na mabibiktima kahit isa. Napad-pad siya sa park. Nakakita ng bench at doon umupo. Tumingin muli si Lolo sa kanyang relo, alas-5 na ng umaga, isang oras na lang at malapit ng matapos ang itinakdang oras.
Papikit na ang mata ni Lolo nang, may marinig siyang paparating. Alam mo na siyempre kung sino yun!! Si Apo 7! Suot ang kanyang jogging pants at sweat shirt, pawis na pawis na lumapit sa kinauupuan ng matanda si Apo 7.
Apo 7: Ok ba kayo dyan manong? Aga niyo ah, madalas ako nauuna dito sa park mag-jogging ah!
Lolo: Apo?! Ang lolo mo to?
Apo 7: Apo?! Lolo? Patay na ho ang lolo ko! Sana nga nabubuhay pa siya ngayon para makita niya na hindi na ko tanghali magising at madalas na ko magexercise. Haay!! Siguro kung buhay pa siya kasama ko siya ngayong nagjojogging! Oh paano Manong!, una na ko, nakaka-isang ikot pa lang ako eh!
(Alam mo na!) Napabuntung-hininga muli si Lolo. Hindi na alam ang kanyang nararamdaman.
Eh Ikaw ba naman ang maramdaman lahat ng emosyon sa loob ng isang araw hindi ko na alam kung ano pang dapat mong maramdaman!
LAST SCENE: JUDGMENT DAY
Napatingin muli si Lolo sa kanyang relo. Napansin niyang dumating na ang takdang panahon. Oras na para sunduin siyang muli ni SANTI. Biglang nabalot ng dilim ang lugar na kinatatayuan ni Lolo. Lumakas ang hangin, hanggang unti-unting nag-init ang pakiramdam ni Lolo. Hanggang sa..
SANTI: Wahahahaha!!! Wahahahaha!!
Lolo: Haayz.. Andito na naman ako!!, makikita ko na naman ang hinyupak.
SANTI: Wat up?! Lolo! Anong balita?
Lolo: Eto, wala akong nabiktima, ang hirap naman ng pinaggawa mo sakin eh!
SANTI:Kung alam mo lang lolo, kitang-kita ko ang lahat ng mga pinaggagawa mo pagbalik mo sa lupa. Nakakasuka! Ang emo mo masyado! May pabuntung-hininga ka pang nalalaman.
Lolo: Wapakels! Ano bang problema mo! Eh sa natutuwa akong nakita ko muli ang mga apo ko eh! Ang sarap ng pakiramdam na pinapahalagahan ako ng aking mga apo!
SANTI: Hay naku Lolo! Stop it na! Masyado ka atang nanonood ng telenovela! Ang drama mo masyado!
Lolo: Wala lang nagmamahal sa'iyo! You're such a LOSER!
SANTI: Hay! Whatever!!
Lolo: Oh ano na? Ano bang verdict mo sakin?
SANTI: Handa ka na ba Lolo?
Lolo: Game!!
SANTI: Wahahaha! Kung gayon!, Dim the lights please!
Lolo: (Pilingero ampucha!, Nagpaka-Ryan Seacrest pa ata!)
SANTI: 'HELL' voted and Lolo!, I'm sorry but you are Going 'Home' tonight!!
Biglang lumakas ang hangin. Nabalot ng liwanag ang dilim. Ang apoy na nagliliyab ay napalitan ng mga puti at makakapal na ulap. Ang amoy ng abo ay napalitan ng halimuyak ng mga bulaklak. Ang halakhak ni SANTI ay napalitan ng mga awiting sinasaliwan ng trumpeta.
Hindi alam ni Lolo ang kanyang nararamdaman.. Para bang nanumbalik ang dating sigla ng kanyang katawan. Para bang walang nagbago. Para bang nagbalik siya sa kanilang tahanan at kapiling ang mga apo.
Hanggang sa... Napabuntung-hininga na lang ang Lolo mo!!