Friday, May 15, 2009

Kidnap


Birthday Party ni Nina.
Nagkaroon ng isang munting salo-salo. Doon sa Laguna.
May bandang tumutugtog. Si Shelley yung kauna-unahang na-link sakin ang vocalista.
Nakasuot sila ng damit na camouflage. Para tuloy silang bandido.

Di ko agad nakilala si Shelley kasi parang kamukha niya si Jeff yung kaklase ko nung 4th year highschool.
Pero akalain mo, andun din si Jeff sa audience, nanonood. Kumaway ako kay Jeff. Pinilit mangamusta kahit na magsigawan kami dahil sa sampung tao ang pagitan namin.

Tuloy ang jamming sa banda.
Tapos nagvideoke kami, pero di ako makapili ng kanta kahit naghanda ako ng mga kakantahin bago dumating doon. Nilista ko pa nga sa cellphone ko eh.

Nainis na sakin si Nina, kasi ayaw kong bitiwan yung microphone.
Hanggang sa kinuha na lang niya sa akin at nagpatugtog siya ng radyo.

Hinayaan ko nalang siya. Nakuha ang atensyon ko ng isang malaking ensaymada sa gitna ng stage. Kumurot ako at kumain.

Nakita ako ng mga taong sarap na sarap. Hanggang yung mga tao nakikurot na din sa ensaymada.

Pagkakataon ko na to. Walang may hawak ng microphone. Pumindot na lang ako bigla at kinanta kung ano man ang lumabas. Anak ng tipaklong, "Bikining Itim". Sige ayos na yan, kesa naman "Modelong Charing" ni blakdyak!

Mukhang badtrip na si Nina. Mukhang sinisira ko ang party niya. Kinuha niya ulit sa kin ang mic.

Hinanap ko si Jeff sa audience. Wala na siya.
Hinanap ko si Shelley pero, biglang nawala na din yung banda.

Biglang tumahimik.

Narinig ko nalang na may videoke bar sa tapat.
Andun din pala yung iba naming kaklase. Nagiinom at nakakantahan.
Sa loob ng ilang minutong pagkakatitig ko sa direksyon ng videoke bar, may dumating na magkakabarkada. Kung di ako nagkakamali 4 sila. 3 Babae, at isang sirena. Dalawa sa babae ay naka-pulang damit at may suot na SANTA Hat. Nagsimula silang kumanta. Kakaiba silang kumanta, may ubo-ubo pang kasama.

Naisipan kong umalis.
Naglakad ako kahit alam kong magmumukha akong basang sisiw dahil sa lakas ng ulan.

Napansin kong nakatingin si Lemuel sa akin. Pero hindi niya na ko hinabol. Tuloy siya sa pagkain ng ensaymada.

Tinawagan ko si Madj na nag-boboard malapit sa lugar na iyon. Nagkausap kami, pero biglang naputol ang linya.

Nagdesisyon akong umuwi nalang.
Nang matunton ko ang service road, napansin kong walang katao-tao. May nakita akong tricycle. Pinara ko. Nagulat ako na isa lang ang mata ng driver. Hindi ako sumakay. Ayokong isiksik yung sarili ko sa loob ng tricyle na may isang makinang hindi ako sigurado kung para saan. Ngunit isa lang ang pumasok sa isipan ko, at ito ang pelikulang "CHAINSAW TEXAS MASSACRE".

Tumawid ako ng kalsada. Nahirapan ako dahil sobrang dilim. Hindi ko minsan makita kung may mga sasakyan bang parating.

Natigil ako sa gitna ng kalsada, nang isang malaking van ang bumisina sa akin ng sobrang lakas. Para akong istatwa ni Rizal sa gitna. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.

Napalingon ako at nakita kong nagsala-salabat ang mga sasakyan. Wasak na wasak ang harap at likod ng mga kotse. Basag ang mga salamin. Umuungol ang mga taong sakay nito.

Hanggang sa tumigil ang malaking van sa harap ko. Bumaba ang limang taong, walang mukha. Hinawakan nila ako sa aking dalawang kamay at isinakay sa loob ng van. Hindi nako nakapalag pa.

____________________________________________________________________
* Ang labo ng istorya no?! Bangungot kasi eh.. hehe!!!

5 Headbangs:

Deth said...

is this a real dream? sabi kase ang panaginip natin ay realization ng unconscious thoughts, andameng symbolism sa dreams mo...

HOMER said...

Uu dream, nightmare nga siguro eh, actualy kanina lang yan after ko ipost yung COMA.

Ang strange nga eh, kaso ito na ata yung pinaka-clear na panaginip ko, kaya nagpost agad ako..

Uu nga eh I agree sa sinabi mo na realization sya. Marunong ka bang maginterpret? interpret mo nga hahahaha!!

Hari ng sablay said...

haha panaginip lang pala,haayyy..salamat..natatakot kasi ako eh,hehe

Unknown said...

Hi Friend,
I like you blog .it's very nice to see your blog. I would like to share my link with you.
Please visit www.zeitgeist-rohit.blogspot.com it is an innovative blog with the hidden secret’s of the world and I would like to share the truth with the world people and try to rescue u all...
So u helps the world with this zeitgeist.♀

Thanks for Reading
Rohit →zeitgeist►►►§

HOMER said...

@ rohit. thanks. ill visit your site in awhile.

Post a Comment

C'mon give me one crazy and awesome head bang!!

 


Design by: Pocket