Showing posts with label Blog Awards. Show all posts
Showing posts with label Blog Awards. Show all posts

Saturday, June 6, 2009

BIG THANKS!!!

I'm speak-less.. Hehe!!!

I wasn't expecting that the announcement would be today, I thought it's going to be tomorrow. Nonetheless, the good news is WE WON AS THE FILIPINO BLOG OF THE WEEK (WEEK 163) and ANOTHER BIG NEWS is that WE ARE ELEVATED TO THE HALL OF FAME!! HOW COOL IS THAT?!!

HERE'S the screenshot of the votes casted:




Anyway eto na hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.. Iisa-isahin ko yung mga taong hindi nagsawa sa pagsuporta sa aking blog..

1. Kay DONNA, hindi po sya blogger pero maaasahan sa pagkakampanya. Isa din syang OFW na kagaya ng madami dito. Salamat sa kanya dahil hindi siya nagsawa kahit sumasakit ang ulo sa pagkakampanya sa lahat ng kakilala nya. At sa pagsubstitute minsan sa akin sa pagcacampaign sa mga bloggers sa blogosphere.

2. Kay DETH, na walang patumpik-tumpik na ginawan ako ng campaign post sa kanyang blogsite. Mukhang effective deth ah!! Don't worry di ako naniniwalang uto-uto ka as what you've said to me on YM haha..

3. STUPE/STUPIDIENT. eto morning person to eh, sya ata gumigising sa akin araw-araw at nagpapagana sa kanyang 'ENERGY. ENERGY' para sipagin akong mangampanya. Haha!!

4. HARI ng SABLAY. Salamat sa encouragement na ituloy pa din ang laban kahit tinatamad na ako mangampanya sa mga unang araw ng week na ito. Salamat sa mga tips sinunod ko yun kaya siguro nanalo. Hehe!!

5. ALGENE. Thanks to you for the inspiring comments dun sa una kong post na ISANG PASASALAMAT.. Ito lagi ko naabutan sa gabi na online, and unang nakakabasa sa mga gabi-gabi kong mensahe sa mga chatbox nyo..

6.BB. ALINDOGAN/MARLENE, ito kahit for a short time ko palang nakakulitan eh willing na willing mangampanya sakin at hinagilap ang mga connection nya!

7. JM/JUAN, ang aking "ka-planeta" haha!! salamat saiyo kahit di ka masyado nag-oonline you always make it appoint to visit my blog and vote salamat and goodluck sayo parekoy

8. Ens/Ensso eto isa pa to, kahit lately ko lang din to nakilala eh tuwing pagkabukas nya siguro ng computer nya at napunta sa site ko ay di nakakalimutang bumoto.

9. Si Keko, ang cute na cute na ka-blog ko ang may balak na gumahasa sa blog ko haha!! Salamat din dito dahil nagbabasa talaga sya ng mga posts ko! salamat din kahit SLOW-BRO ang connection nya patuloy pa din sa pagbisita at pagboto..

10. Kay Xprosaic na pinangampanya ako sa chatbox nya salamat!

11. Kay Zeb na kahit nawawala sa eksena di ko alam kung dahil nakakatulog sya sa kanyang mga LSS o busy lang talaga, eh alam ko naman nandyan pa din at sumusuporta

12. Chikki hehe!! Chikletz pala, dont worry ikaw pa din ang original dito sa blogger haha!!

13. Choknat ang blogger na bigla biglang nawawala buti nalang at bago matapos ang week nato ay nakabalik sya at napaboto haha!! yung cadbury mo pagusapan natin hehe

14. Lucas ang masugid kong taga-komento, buti nalang pala nabanggit ko sayo na daily ang voting kundi sayang ang isang boto mo, na kahit isa lang yan ay nakatulong sa panalo

15. Kox sa walang sawang pagboto kahit alam ko medyo naging busy ka saiyong bertdey hehe!!

16. Kay Goryo na nag-sorry pa sakin dahil medyo busy daw sya at late nakakaboto walang problema yun ang importante ay masuportahan ang blog ko.

17. Kay Kielai/Jelai na ang sipag mag rounds at parang dalawang beses ata bumuboto araw-araw salamat saiyo!

18. Kay Sweetham na sweet na sweet talaga kasi binabasa ang aking mga posts at walang sawa sa pagcomment.

19. Kay Marxlin na hindi alam ang EOP haha!! now you know!! salamat sa palaging pagdalaw at pagiiwan ng mensahe, kahit alam ko busy ka at medyo confused, sana di ka na naguguluhan at nakapagdecide na sa mga plano.

20. Kay Email you know who you are salamat kahit alam ko silently ka sumusuporta sakin. And lahat ng gusto ko sabihin alam mo na yun sinabi ko na lahat.

21. Kay Paps, kahit alam late na nito nababasa ang mga messages ko at natatabunan na ng ibang messages dahil gabi na ata nya nababasa eh sige pa din sa suporta, kaya madami nagmamahal sa blog mo eh at you deserve to win that chorva blog awards

22. Kay Acrylique na nagmulat sa akin ng amoy ng pentelpen salamat at nakaisip ako ng alternative na pam-pa-high ang jologs na kasi ng rugby eh haha!! ituloy mo lang ang pagbibigay kulay sa iyong mga akda hehe

23. Kay seaquest na isa pang masugid na taga-pagbasa at taga-comment salamat

24. kay Tonio ng acongtatsulok, my fellow beatle fan! Salamat!

25. Kay Lord CM saludo ako sa mga advocacies mo!

26. Kay Crisiboy salamat sa boto mong katumbas ay sampu! haha!!

27. Kay Dencio na kahit kakagaling lang sa bora ay humabol sa botohan!!

Sa mga hindi ko po nabanggit special pa din kayo sakin dahil you took time to vote.
Sa mga nainis po at nakulitan pasensya napo wag po kayong mag-alala pag nanominate kayo boboto ko din kayo at papakampanya.

Salamat sa lahat ng mga nasa blogroll ko at mga followers. Pati na din sa lahat ng mga nabisita ko at nagbigay ng space para sa kampanya salamat! I'll get back to you soon, it's bawi time, ill make up for the times na di ako nakakapagbasa masyado ng posts nyo! dont worry!

To all Indonesians, Koreans, Malaysians and other Asians who dropped by and voted THANKS TO YOU ALL!

To all Mommy Bloggers I visited and have voted Thanks to you all! Your network really helped me winning

To all commercialized blogs here and abroad thank you very much too for participating.

To my fellow nominees juandelacruz and taroogs it was a great fight. Special thanks to jio/tehdegenerate for the help. Kay Sir Dennio din po of Project Dennio nominated po siya ulit sana siya naman suportahan natin.

To all my friends in Facebook, Multiply, Friendster, Twitter, Plurk, Yahoomessenger, PinoyBloggers Network, PinoyLaw Network, Phbar.org and PinoyForum.Org, to JamLegend People, mga Kabobo sa bobongyahoogroups, Thanks so much.

To my friends, classmates, batchmates, and schoolmates pasensya na sa abala sainyo at sainyong mga officemates at mga kaibigan. Thanks sa suporta.

Kung may nakalimutan man po akong banggitin pasensya na po hindi man kita nabanggit at napasalamatan sa munting post na ito ay sobra ang pasasalamat ng puso ko sayo! :)

Kung hindi lang magagalit si THE COMPOSED GENTLEMAN eh I'll share the awards to you guys!

Kaya eto nalang para sa inyo lahat itong award na to sa pagsuporta sa akin. If you're in my blogroll, my follower or kahit dumalaw ka lang dito nagkomento at bumoto, may regalo ako sayo! ayan grab mo na yang gitara na yan, simbolo na naging bahagi ka ng aking tagumpay!! hehe!! pasensya na hindi ako masyado marunong sa arts ehehe!!



AGAIN, THANK YOU SO MUCH!! AT KUNG SINO MAN SAINYO ANG MANGAILANGAN NG SUPORTA SABIHAN LANG AKO, I WONT THINK TWICE TO HELP YOU!!

 


Design by: Pocket