Wednesday, June 10, 2009

Whatever Ten

I'm not into this tagging thing but since malakas si Paps sakin ayan gagawin ko na.. Haha!! So according to the rules, you should cite 10 things about you, nine truths and one that's fictitious/false/sham/imaginary!! Okay? So here's my list.

1. I started blogging since 2005, sa friendster pa dati and then I transferred here sa blogspot 2007, but I decided not to make it public until April 2009.

2. Adik ako sa movies. Mula bakasyon noong April naka 60+ movies na ang napanood ko.

3. Ayokong may humahawak ng buhok ko lalo na pag naka-gel ako. It takes 30 minutes or more bago ko maayos ang buhok ko, kaya one time nagpakalbo na lang ako. Kaso namiss ko ang buhok kaya nagpa-long hair ako.

4. Mayroon akong banda dati, malapit na sana kaming mag-guest sa isang show sa TV kaso bigla nagquit ang isa naming bandmate.

5. Adik ako dati sa online game, kasi nga meron kami internet cafe ayun pinasara na ng nanay ko.

6. Muntik na akong mamatay kasi nag-dive ako sa 30 feet na ilog, eh hindi ako marunong lumangoy.

7. Quarter pounder meal go bigtime with spaghetti at chocolate fudge/apple pie ang kinakain ko lagi sa Mcdo. Mahilig din ako sa mga foods na may gata.

8. Kapitbahay ko si Bamboo dati, sabi nya sakin nung nakausap ko siya wag ko daw ipagkalat, pero di naman nya siguro nababasa to at lumipat nako ng bahay..

9. Abnormal ako magbasa mas nakaka-comprehend ako pag nagsimula ako sa dulo ng sentence/paragraph.

10. Matagal ko ng gusto magpalit ng religion and Buddhism appeals to me.

Ayan, if you are a reader of my blog you are tagged! Yung makakahula ng hindi totoo sa list may kiss. Haha!!

30 Headbangs:

Unknown said...

sige icoconsider ko mag tagged din.

pare di ko lam what totoo dito kaya wla akong kiss,nyahaha

wow pare banda ka pala ako, ako nag aaral mg gitara pero tlagang sa pagkanta lang ata ako,hehe me post ako tungkol dito: http://webofthought.blogspot.com/2008/09/musician-in-all-of-us.html

me mga bagay na pareho tau,hehe

keb said...

Cool ung Buddhism. Ahaha! Ayos!

Xprosaic said...

hmmm... feelung ko yung #7 and di totoo... jijijij...
Similar tayo sa #1 at #3... Nakapagpalong hair na rin ako nung college after ROTC pero pag last year bigla akong nagpaclean cut.... jijijijiji...

HOMER said...

@ JM Uy JM ayus ah first time na first time ka nagcomment sa post ko haha!!

@Keb hehe ayus nga ung buddhism ma-disiplina ka talaga

@xprosaic yang ROTC talaga na yan, nakakainis nga eh nung nakagrad ako ng ROTC bigla tinanggal last batch kami tsk tsk!!

Unknown said...

oo nga napansin ko, nauna ako ako ngaun,hehe

Anonymous said...

uso pa rin pala ang whatever ten ngayon.

Trainer Y said...

2... magkakasundo tayo.. certified movie freak ako weh!
3...parang wto yung hindi totoo
4...sayang naman
5...kumustahin naman un?! iakw na alng yata ang naglalaro eh
6...bakit mo naman tatangkain magdive kung di ka marunong lumangoy?
7...whattanappetite!!
8...ipinagsabi mo sana para dinumog sya ahihihi
9...hmmmmm
10...whats with buddhism?

sorry lang.. nagawa ko na topng tag na toh.. long time ago hehehehe...

<*period*> said...

pareho tayo ng palaging kinakain sa mcdo..pero minsan hindi ako nagsasama ng spaghettio kasi mataba na ako..

pero nung nagkahypertension ako, umiwas na ako sa fast food

kakamiss buhay jabee o a-do! (jollibee at mcdo)

puro healthful na lang kinakain ko, either kulang sa lat o ma-fiber (na lasang papel..good thing i discovered walter's apple fiber loaf, lasa siyang ordinary pullman bread, pero medyo matamis!)

Deth said...

1,2,3, sounds true
4...feeling ko true kase hindi halata sa award na pinamimigay mo at sa inclination mo sa music (blog entries) so posible nga na banda ka b4
5 wala na ata akong kilalang guy na hindi adik sa online games
6 nkwento mo saken so true
7 may mga kakilala kong guy na ganyan kalakas ang appetite
9,10 may pagkaweirdo ka naman eh, so pwede...

feeling ko lang ah, number 8 yung fictitious/false/sham/imaginary (ang tanong e irereveal mo nga ba kung alin yung di totoo,hehehe)
pwede na saken yung dog tag, in exchange sa kiss,ahahahaha

HOMER said...

@joshmarie actually matagal na nga to alam ko eh, hehe!!

@yanah haha!!! ayus!!! magclick nga tayu!

@period really? ayus! sabi nga nila masama din ang fastfood talaga kasi iba yung luto dun eh unlike sa bahay.

@deth haha!!! alam mo na reply ko told you in YM already hehe!!

bampiraako said...

tingin ko #8 ang hindi totoo. hehe.

gawain ko din ang #2.


offT: kitakits tayo sa AkoMismo event

Cayy Cayy said...

8 and 10 ang iniisip ko.
Hmmmmmmmm, natatawa ako dun sa 8 .
Yung 10 naman.....

HOMER said...

ISIP LANG GUYS!!! sabihin ko tom ang sagot haha!!! ;)

Anonymous said...

Magandang Gabi Bayan. :)

NapadaAn>>>>>>>>>>>>>>>>

darksphere said...

lol yung number 6! haha

PABLONG PABLING said...

teka teka na late ako ng dating dito.. ahem ahem..

sineryoso ko daw talaga ito...

hmmm....

#3 medyo masiyadong marami ang 60+ na movie since april lang...pero possible naman. .kung movie adik ka talaga.

#4 ganun nag quit lang ang isang bandmate di na kayo nag guest wala bang pwedeng pumalit. pero dahil sa pic mo diyan eliminate ko na ito. haha

# 8 kung kapitbahay mo si bamboo...bakit ayaw niya ipagkalat? baka madaming pumunta sa kanila? , , hmmm sinasabi ba talaga ng celebrity iyan na wag ipagkalat kung saan sila nakatira. haha

iyan ang malakas na naiisip ko.. .

ang sagot ko ay! dahil sa hindi pa ako nakaligo sa ilog. . . at feeling ko wala namang 30 feet na ilog ewan ko lang ha, hindi yan ang sagot ko. ang sagot ko ay number

7. ayaw mo ng pagkaing may gata.

hahaha.

hanggang bukas po ung akin.

Anonymous said...

10 po cguro kuya? :)

RED said...

8!

Anonymous said...

ang hirap.... ill say #9

haha!

Ken said...

2. Adik ako sa movies. Mula bakasyon noong April naka 60+ movies na ang napanood ko.

Wooohoo! Gujab! :D

3. Ayokong may humahawak ng buhok ko lalo na pag naka-gel ako. It takes 30 minutes or more bago ko maayos ang buhok ko, kaya one time nagpakalbo na lang ako. Kaso namiss ko ang buhok kaya nagpa-long hair ako.

Ako rin. Pero hindi ako naglalagay ng gel. Pero ayoko na may humahawak ng buhok ko. Haha.

5. Adik ako dati sa online game, kasi nga meron kami internet cafe ayun pinasara na ng nanay ko.

Feeling ko ito yung bullshit. Lol.

9. Abnormal ako magbasa mas nakaka-comprehend ako pag nagsimula ako sa dulo ng sentence/paragraph.

Ako rin minsan. Tapos kapag nagbabasa ako ng magazine or dyaryo, sa likod ako nagsisimula. Hahaha.

10. Matagal ko ng gusto magpalit ng religion and Buddhism appeals to me.

I gave up on religion a long time ago. :D

HOMER said...

PWEDE PA MAGPALIT maya-maya sabihin ko ang False!

@Ken ahaha minsan sa magazine sa likod din ako nagstart ehehe!!

PABLONG PABLING said...

pa palit ng sagot.

# 6 po ang kwentong barbero.

marunong kang lumangoy, sa katunayan nasa interest mo ang THE BEACH.

hahaha...ewan ko lang kung libro un o pelikula....

pero number 6 final answer na po

Cayy Cayy said...

8 and 10 talaga pinagiisipan ko.
Pero dahil favorite number ko ang 8 ... 8 nalang final answer ko!haha

atribidang mayora said...

ang kwentong kutchero jan #6 and #8
uhm, pero more on #6 kz wala namang ganun kalalim na ilog bka dagat pwede pa. hehehe

Cayy Cayy said...

Kuya homerness, antagal naman ng results.Exited na me!

Saka ....... naiisip mo ba naiisip ko? [[:

Hari ng sablay said...

#2


yahoo!panalo ako...nice nice...


asan na yung kiss?

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

no. 6 ang hula ng mga tunay na veyklas! :)

ACRYLIQUE said...

Parang gusto ko ng KISS! yung WET! :)

Ung entry tungkol kay Bamboo! haha!

Gi-Ann said...

totoo ba talaga yung 8 & 9?
yung number nine parang di ko yata maisip yun eh.
as in? tsaka yung #6? ehmm.

HOMER said...

Number 8 well lets meet I'll show you Bamboo's house.. :)

Number 9 well ask my friends hehe :)

Number 6 well ask the people I'm with that time of the dive, and may nagshoot din pala that time na soap sila Dingdong Dantes with Wendell Ramos and Tanya something yung "IKAW NA SANA" ata na soap hehe!!, tanong mo din sa kanila haha!!!

Post a Comment

C'mon give me one crazy and awesome head bang!!

 


Design by: Pocket