Masarap maging mayaman! Lahat pwede mong makuha. Gusto mo ng bagong bahay, kotse, alahas, branded na damit, name it! Isang dukot lang sa wallet. Isang swipe lang ng unlimited na credit card. Konting tinta lang ng ballpen para sa pirma sa cheke.
Masarap maging mayaman! Yung mukha mong gula-gulanit, yung binti mong puro varicose veins, mga bilbil sa katawan mo! Lahat ng yan, sa isang iglap lang mawawala sa tulong ni Belo o ni Calayan. Salamat na lang sa sensya at sa iyong pera at kamukha mo na ang paborito mong artistang si Michael Jackson.
Masarap maging mayaman! As they say 'Money makes the world go round!' And for a rich man everyday is a holiday and he can go tripping around the world when he wants to! Magising ka lang siguro at trip mong pumunta ng Bora, Amanpulo, Caramoan, El Nido, Bohol, Cebu, Davao, Hongkong, Singapore, Malaysia, USA, o Europe eh makakapunta ka at mabibigyan ka ng executive class na flight o di kaya'y may sarili kang jet plane. Siguro kahit planet Mars kaya mong puntahan, kasi may pera ka nga diba!?
Masarap maging mayaman! Maging producer ka lang ng isang pelikula o di kaya'y nanay mo ang producer nito, pwede ka ng magkaroon ng starring role! Di mo na kailangan pang sumali sa Pinoy Big Brother o ano pa mang reality-based TV show para maging artista. Nang dahil sa pera mo o ng nanay mo, Instant Star ka!! Good Luck na lang sa'iyo kung makabuo ka ng fan base or may manood ng pelikula mo!
Masarap maging mayaman! Yung mga gusto mong ‘maging’ nung bata ka, abot kamay mo na! Pera lang ang katapat! Totoo naman diba?! ‘Education has become a luxury in our country!’ Kaya naman hindi ko minsan masisi yung bumibili ng mga pekeng diploma sa Recto. Hindi ko minsan makita ang pagkakaiba nila sa isang mayamang kayang bilihin ang diploma sa isang sikat na unibersidad.
Kung may scholarships man ang gobyerno, ito ay napupunta lamang sa iilan. Kung meron mang mga state universities dito sa Pinas, hindi naman nabibigyan ng sapat na budget ng gobyerno para sa magandang kalidad ng edukasyon. Minsan pa sa ibang unibersidad na dapat lahat ay iskolar ng bayang matatawag, ay makikita mo minsang pinaparada ang otong bagong palit ng mags sa campus.
Masarap maging mayaman! Gusto mong maging Mayor, Congressman, Senador o Presidente!? Madali lang! Pera! Pera! Pera! Iisa lang naman ang ‘line of thinking’ ng mga politico eh. Tuwing eleksyon, eto lang naman ang lagi nilang sinasabi: “Hayaan mo ng malaki ang magastos ko, doble o triple naman ang balik nito sakin! [with matching, evil smile, wahahahaha!!!] No doubt, ‘PERA is POWER!’
Hindi nako nagtataka minsan kung bakit mas nasusuka pako sa pinaggagawa ng mga nakaupo sa gobyerno natin kesa sa isang babaeng mababa ang lipad na pati kaluluwa pinagbibil. Unang-una ang gobyerno din naman ang dapat sisihin kung bakit may mga katulad nila eh. Kawalan ng trabahong dapat sana ay gobyerno ang nagbibigay sa mga mahihirap, pero nang dahil sa puro bangayan ang inaatupag nila dahil mas malaki siguro ang nakuha ng kumpadre nya, hindi na nabigyang pansin ang mga pambansang problemang tulad nito.
Masarap maging mayaman! Siguro kahit hindi ka naman nagbabasa ng dyaryo o nanonood ng news sa TV, kahit papano may konti kang naririnig sa mga nangyayari sa bansa natin. Siguro nabalitaan mo yung nangyaring pagpapalaya kay Daniel Smith na napabalitang nang-rape kay "Nicole" sa Subic. Alam mo naman siguro na na-convict si Smith ng Regional Trial Court at on appeal ang kaso sa Court of Appeals. Nang dahil sa ‘recantation’ o pagbaligtad ng testimonya ni Nicole, pinawalang-sala si Smith. I won’t go into more details na, pero isa lang ang teorya ko dyan, PERA!
Siguro di na din naman bago sa’yo na nakaka-burat ang justice system dito sa bansa. May ilang insidente na nabibili ang ilang pahinang desisyon ng mga judges, kundi naman ay ang testimonya ng ilang mga testigo sa kaso. Sobrang nakakalungkot! Nakakatakot! Ikaw, picture yourself in a situation na ikaw ang involved sa isang kaso! Paano kung nangyari sayo na nagkaron ng ‘under the table’ o suhulan sa pagdinig ng kaso mo! San ka na lang pupulutin nyan? Syempre sa kalaboso!
Ang sarap maging mayaman! Siguro ilan satin nangarap na yumaman at mabili lahat ng gusto natin. Ikaw? Bakit ka ba nagtatrabaho ngayon? Diba para kumita ng pera. Bakit gusto mong kumita ng pera? Para maka-ipon. Para maka-pag pundar. O di kaya’y matulungan ang pamilyang maka-angat sa buhay! Lahat naman tayo naghahangad na umangat sa buhay, pero sana ‘wag dumating ang pagkakataon na maging gahaman tayo sa pera. Oo, magandang mangarap ng mataas, but as they say, everything has its own price. Minsan unknowingly or unconsciously we are blinded by our dreams and ambitions that we sometimes forget where we started. ‘Wag sanang dumating yung pagkakataong pati kaluluwa mo pinagbibili mo na.
I’d like to end this post by an adage I heard from a speech in a movie,
“Rich men may buy everything, but they can never ever buy backbone!”.
4 Headbangs:
it's not just about money. but i agree with you, masarap maging mayaman. :)
I know there are rich people naman who are not the ones I am referring to in the blog, but sometimes no matter how good people are, when money enters the scene most likely the good apples become rotten as well. Pero that's just me, I am not losing hope in our country! :)
"sometimes no matter how good people are, when money enters the scene most likely the good apples become rotten as well"
- absolutely.. there is evil in money! it can turn a good person into a wicked one.
"I am not losing hope in our country! :)"
- yeah. you shouldn't.. let's keep on hoping. things will get better soon..
im here for vote
Post a Comment
C'mon give me one crazy and awesome head bang!!