2009 NA!! and to welcome the new year and for a change na rin I am into changing the way I write my entries here. Parang the past year kasi medyo emo yung theme ng mga entries ko. I'll try as much as possible na gawin ma-kwela tong blog na to, like the way I write when I was just starting to blog in my friendster account.
Now for starters, I want to talk about the year that passed.
Start tayo ng
First Quarter. As far as I can remember, I celebrated the new year with my family. Medyo ok naman, I get the chance na magpapaputok, medyo masaya kasi bago pa lang din kami dun sa house namin sa Hillsborough. Very laid-back and happy-go-lucky ako nung January of last year. Antindi kong magbulakbol! Araw-araw ata ako nanonood ng sine! Siguro ngayon ko lang aaminin to, tapos na naman e. Oo! Tama ka! Apektado ako sa nangyari samin ng isang kaibigan. Wala sa ugali ko ang umatras sa isang away o gulo. Wala din sa ugali ko yung talikuran ang isang confrontation, pero wala din sa ugali ko na ibaliwala ang isang pagkakakaibigan. And although Ive said this a couple of times in my previous entries, I would never ignore the things and favors one person does to me, no matter how little its value may appear to others.
Kung magkakaron siguro ng analogy yung situation ko nung first quarter of 2008, I think swak na swak na sa word na "sabog". As in sabog used sa mga nalalasing or sabog sa drugs! Pati mga exams ko sobrang sabog. Kung magsagot ako ng mga exams ko parang survery lang sinasagutan ko. Yung alloted time na 1 1/2 hours or 2 hours wala pa ata sa kalahati na-coconsume ko.
That time of the year, hinihintay ko na lang talagang magbakasyon, para at least in the meantime makalimot sa panget na mga nangyari sa school.
Pero that quarter naman is not without happy moments. I get the chance to meet up a couple of times with my college friends who have always been there for me. Since si Danilo is leaving for Australia, madalas kami magmeet along with others para gumimik. We had pa nga a despedida party and double birthday celeb nila Olga and Happee. Kahit na exam week pa yun hindi ko pinalampas yun! The best kasi talaga kasama tong mga to eh! And before pa talaga umalis si Danilo, that was February, nag badminton pa kami sa Calamba and had the chance to visit pa our Alma Mater!
Second quarter Bakasyon na!! It means dami na ko time to watch mga shows sa tv na namiss ko. Dami ko na din time to watch yung mga inaabangan kong movies. Madami na din time to gimik! Pero teka wala pala ako allowance! Nyak! Good thing, a classmate during college called me asking me if I am available for a job. They need assistance kasi in their company to reconstruct some accounting books! haha!! Ok to! Magkakapera ako! It turned out good naman! Hindi naman masyadong mahirap yung pinagawa nila sakin, medyo kakatamad lang,since I really don't like accounting works. How ironic!? Haha! Kasi naman too late ko na narealize that I should have not taken Accounting! Sana any Liberal Arts course nalang nagenjoy sana ako! hehe!!
And so came my birthday. Ang saya saya! May sakit ako! Haha!! Puro puyat kasi ginagawa ko eh, magdownload ba naman ng mga movies over the net and watch like 3 movies! Marathon kung marathon haha!! Unexpectedly, nagkaron ako ng bday blowout with some close friends haha!! And ang masaya nito my mom's friend gave me money as a gift! Diba? Tiba-tiba na naman ako! Ang masama lang nito, parang ang bilis talaga sakin ng pera. Hilig ko kasi mamili ng damit! Haha!! Kaya medyo konti lang din gimik ko nung summer.
Pagsanjan with some lawschool friends is great! The best ang rappelling! Although hindi ako ready talaga sa Falls, sugod pa din ako! Ayun para tuloy ako basang sisiw! Haha!!
Si JR, umuwi from UAE, kaya syempre di mawawala ang outing ng barkada! San pa e di sa Laiya! Even after Laiya, nasundan pa ng ilang meet-ups with JR and others na within the north lang nagstay. Nakakatuwa kasi simpleng kwentuhan lang inaabot na kami ng ilang oras. Hanggang sa one time nga, naki-overnight na kami ni JR kila Lemuel haha!! Before JR left, nag meet pa kami sa Megamall tapos Greenhills! Shopping na naman to! Dami ko talagang pera no? Haha!!
Hanggang sa dumating na yung June,Waahh! Enrollment na!! Hanggang sa nagstart na yung classes.. Since masyado akong lax last semester e di nagsipag-sipagan na ko. Medyo maaga na ko ulit pumapasok. Hanggang sa feel ko lang matulog ng mahabang oras lagi kaya ayun, medyo late na din pumasok. This is the time that I get the chance to get close with other groups. Syempre unang una na dyan si Laids! hehe!!
Third Quarter Sobrang toxic maging third year yun ang masasabi ko. Pero I must say, dalawa lang talaga ang subject mo pag third year and Wills and Civ Pro yun! And kahit na anung klaseng aral gawin ko, bwiset pa din. Bagsak pa din! Lalo na yang pesteng Wills na yan! haha!
Isa sa mga highlights nitong quarter na to is, that a lot of things na naiisip kong mangyayari eh nangyari. I found out last August something which is very personal for me to divulge.
Natutuwa ako kasi this time of the year was a lot of new beginnings din for me. New friendships were built. But some relationships were either ended or shaken. Yung iba pa nga medyo damaged na talaga. But that's the way it is, if you can't fixed it, then might as well put it on trash. Ganito lang kasi yan kung hindi na uubra diba kahit naung pilit mo? Bat magaksaya ka pa ng time fixing something which is remotely possible to be fixed. Lalo na pag hindi ka naman talaga willing i-fixed?!
Naipit pa ko minsan. Yun lang naipit ako..
Naging handicapped din ako.. Blind, deaf and dumb!
Kung sino man nagsabing 'no man is an island' I summon you magpakita ka sakin ngayon. Kasi once I felt one, I mean I felt like an island. Minsan pa parang gusto ko nga talagang maging island sa mga nangyayari.
Eto ang the best, naging tanga din ako!
Nasangkot pa ako sa isang crime na hindi naman ako involved! False accusation! Malicious Prosecution! Pero mukhang hindi ako kaya ng adversary! Mukhang mahina ang evidence, hindi man lang prima facie. Ayun, inurong ang demanda! haha!!
Yung fourth quarter.. Ayun, nailabas na yung grades, natuwa naman ako at naipasa ko yung mga subjects.. Medyo bumabalik na sa katinuan yung mga tao.. Hanggang sa ilabas yung grades sa Wills! haha!! Anyway ayoko ng pagusapan kasi bagsak ako! mwahaha!! Let's just leave it at that!
Wala akong makwento nitong fourth quarter, all that I can remember aside from the pimple outbreak I had and still have is sobrang naging major entertainer ako ng mga xmas parties sa lawschool. And sobrang hindi ako makapaniwala na ginawa ko ang mga pinaggagawa ko during those times! Haha!! Medyo nasira yung image ko ata haha!!
Alam ko sobrang daming magbabago sa sarili ko this 2009. Sobrang nagiiba pala talaga perspectives mo sa buhay with all the experiences, maganda man or hindi pati na sa mga tao na dumadating at nakikilala mo. Kinaya ko naman yung 2008 eh, well I know 2009's going to be tougher, sana kayanin pa!!
MGA AABANGAN SA 20091. Kanlungan Opening of DREAMS TEST-TUBE after five years sa Balai, Laiya Batangas- MAY 2009
2. Fourth Year- Can I really graduate on time? Option kaya talaga na lumipat ako ng law school? Ipasa ko kaya lahat ng subjects ko this sem?
3. My 26th Birthday!
4. Matuloy na kaya ang pag move-out ko ng house?
5. Maging 'IN A RELATIONSHIP' na kaya ako? Wahaha!!
HAPPY 2009 ulit! ROCK AND ROLL!
0 Headbangs:
Post a Comment
C'mon give me one crazy and awesome head bang!!